Price increase sa asukal inihirit

IPINAHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na humihirit ang mga nasa sugar industry na itaas sa P52 ang kada kilo ng asukal.

Ang hirit na price increase ay inihayag sa ginanap na National Price Coordinating Council Meeting.

Ayon sa mga mag-aasukal, kinukulang na sila ng suplay ng naturang produkto.

Una nang iginiit ng ahensya na mayroon pang sapat na suplay ng asukal sa bansa.

Kaugnay nito, pagpapaliwanagin ng DTI ang mga establisimyentong magbebenta ng mas mahal sa P50 suggested retail price (SRP) sa kada kilo ng asukal.

Sa kabilang dako, inaasahang bababa ang presyo ng sardinas sa susunod na buwan.

Mula sa P13 kada maliit na lata ng sardinas ay bababa na ito sa halagang P12.80.

Ang naturang pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagdami ng suplay ng isdang tamban na pangunahing sangkap sa paggawa ng produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply