Prison caterer kinasuhan sa DOJ

IPINAGHARAP ng kaso sa Department of Justice ang negosyanteng matagal nang nagsusuplay ng pagkain sa mga bilangguan sa bansa.

Partikular na kinasuhan ng tax evasion si Ziegfried Loo Tian, sole proprietor ng Golden Taste Food Services & General Merchandising (Golden Taste).

Sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue, kinontrata ng Bureau of Corrections (BuCor) ang catering services ni Tian simula Agosto 17, 2010 hanggang Enero 16, 2012 para sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, Muntinlupa Juvenile and Training Center, Medium and Minimum Security Compounds of the International Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon pa sa BIR, nakatanggap si Tian ng P183.23 million noong 2010, habang P185.48 million naman noong 2012 bilang kabayaran sa kanyang serbisyo.

Base sa talaan ng BIR, nagsumite ng kanyang ITR si Tian noong 2010 pero hindi na muling nag-file noong 2011.

Bunsod nito hinahabol si Tian ng P215.07 million ng pamahalaan bunsod ng kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply