Private burial, taliwas sa hiling ni Dolphy

TALIWAS sa hiling ni Dolphy na huwag siyang ipagdamot sa publiko ,pinili ng pamilya Quizon na gawing pribado ang libing ng hari ng komedya sa linggo sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig.

Sa pahayag ni Ronnie Quizon, panganay na anak ni Dolphy ito umano ang napagkasunduang  plano ng pamilya.

Ani Ronnie, sa Linggo ng umaga ay magiging “private time” ng kanilang pamilya para sa final moments sa kanilang ama bago pa man ang paghahatid nito sa huling hantungan.

Sa Linggo ay wala ng public viewing bilang paghahanda na sa nalalabing oras bagi isagawa ang paglilibing sa komedyante.” Umaga will be our time with him, final moments siguro, goodbyes. Siguro friends din. Yung hapon, ‘yun ang paglibing, I think 3 p.m.,” ani Ronnie.

Inihayag din ng anak ni Dolphy na magiging “master of ceremony” si Eric Quizon.

Lumalabas na ang paglilibing kay Dolphy sa Heritage Park ay taliwas din sa hiling nito na itabi ang kanyang labi sa kanyang ina .

Una nang nagpasalamat ang pamilya Quizon sa deklarasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na National Day of Remembrance ngayong araw para kay Dolphy.

Hiniling umano ng pamilya Quizon na gawing National Day Of Remembrance  at hindi National Day of Mourning dahil nais umano ni Dolphy na maalala kapag yumao na siya, at hindi sa paraang pagluluksa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply