Privatization ng government hospital, kinontra sa Zambo Norte

MARIING tinutulan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte ang planong privatization sa lahat ng mga government hospitals

sa ilalim ng ipinasang House Bill 6069.

Sa ginanap na sesyon, inihain ni 2nd District Board Member Uldarico Mejorad II ang isang resolusyon para  tutulan ang naturang  batas

dahil siguradong tatataas  ang mga bayarin sakaling ito’y maipatupad.

Ang nasabing resolusyon ay bilang pagsuporta na rin sa resolusyon ng

Zamboanga City na mahigpit na tumutol sa naturang resolusyon .

Kaugnay nito, bigyan din ng kopya sa nasabing resolusyon ang mga Sangguniang Bayan ng Zamboanga del Norte, Philippine Senate, Senate President at iba pang kaukulang ahensya na nagpapahayag ng kanilang pagtutol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply