Professional Summit ikakasa ng DOLE

INIHAYAG ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagdaraos ng kauna-unahang Professional Summit sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang nasabing Professional Summit ay pangungunahan ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Oktubre 18 hanggang 19 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Layunin umano ng nasabing Professional Summit na makasunod sa global standards ang professional development at edukasyon ng mga professional sa bansa.

Sinabi naman ni PRC Chairman Atty. Teresita Manzala, na makikipagtulungan sila sa iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa paghubog ng human resources sa bansa gaya ng Department of Education, Commission on Higher Education, at Department of Science and Technology.

Sa nasabing Professionals Summit, muli umanong titiyakin ng PRC ang commitment nito sa global standards para makapag-contribute sa pagpapahusay ng career advocacy pagdating sa assessment; career path; at labor market opportunities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply