Project engineers ng DPWH papanagutin sa natabunang manholes

MAY pananagutan din ang project engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa nabarahang 661 manholes matapos itong matabunan nang isaayos ang mga kalsada.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson na walang gagastusin ang gobyerno sa pagsasaayos ng mga manhole dahil ipasasagot nila ang pagsasaayos ng natabunang manhole sa mga contractor.

Sa ngayon ay uunahin muna nilang hanapin ang mga manhole na natabunan upang maalis ang mga bara na sanhi ng malawakang pagbaha sa Metro manila tuwing umuulan.

“Maasahan niyong wala tayong ibabayad sa pagrerepair ng mga manholes dahil babantayan natin yan,”  ayon pa kay Singson.

Sinabi ng kalihim na ang project engineer ang siyang naatasang magbantay   sa konstruksyon ng mga kalsada upang matiyak  na walang matatabunang manholes at drainage inlet.

Dahil sa pangyayari, posibleng hindi natutukan ng project engineers ang mga contractors na gumawa ng mga repair na malaking perwisyo, aniya, ang naidulot nito kaya dapat lamang na sila ay managot.

Inaasahan namang matatapos ang pagsasaayos ng mga manholes hanggang ngayong Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply