Promdi patay sa lasing sa Caloocan City

TODAS ang isang promdi nang pagtripan saksakin ng lasing sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Neopolitan General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Roel Icagoy, 19, tubong Capiz at pansamantalang naninirahan sa Amparo subd., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si alyas Avila ng Mulawin st., Amparo subd., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, lasing ang suspek at habang naglalakad ay nadaanan ang biktima na nakatambay sa Mangga st., ng nasabing lugar.

Walang salitang tinarakan ng suspek ang biktima bago tumakas na naging dahilan upang dalhin si Icagoy sa nabanggit na ospital.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply