M’cañang: Protesta vs RH bill gawing mapayapa

PINAALALAHAN ng Malakanyang ang church groups at organizer ng prayer vigils laban sa Reproductive Health (RH) bill na siguraduhin lamang na mapayapa ang kanilang gagawing mga pagkilos.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ang pagpoprotesta ay kasama sa democratic free space kaya’t ang hiling naman nila sa mga balak magprotesta ay sana maging mapayapa ang kanilang pagkilos.

Ang panawagan na ito ni Usec. Valte ay tugon sa ginawang panghihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang mga followers na magsagawa ng prayer vigils bago ang Agosto 7, mismong araw kung saan hahatulan ng Kongreso ang kontrobersiyal na RH bill.

Batid naman ng publiko ang pag-iingay ng Simbahang Katoliko  laban sa RH bill  lalo na sa probisyon nito na pinapayagan ang artificial contraception.

Pabor ang Simbahan sa tinatawag na natural na pagpa-plano ng pamilya.

Sa kabilang dako, suportado naman ni Usec.Valte ang mga mambabatas na nagpahayag na ang RH bill ay hindi hakbang upang makipaglaban sa Simbahan Katoliko.

“No one should dispute the concept of responsible parenthood, which President Benigno Aquino III has been advocating. Kailangan responsible ang magulang natin, kailangan [tiyakin ng mga magulang] na maayos ang kakayahan… at ng resources para mabigyan ng maayos at maaliwalas na buhay ang kanilang mga supling,” she said of responsible parenthood,” ani Usec. Valte.

Kaugnay nito, pinalagan naman ng Malakanyang ang ulat na may mga pro-RH groups na mangangampanya laban sa anti-RH bill politicians na tatakbo sa 2013 elections.

Nauna rito, nanawagan si Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) chairperson Elizabeth Angsioco ng isang malawakang kampanya pra kontrahin ang kampanya ng Simbahan na hindi nito susuportahan ang anti-RH bill politicians

“It has been proven from past elections that the Catholic bloc vote “is a myth.”In the coming 2013 polls that would be entirely up to the voters. Depende sa voters kung issue ang Responsible Parenthood and RH… para sa kanila,” ayon kay Usec. Valte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply