Protesters maagang nasa Commonwealth Ave., seguridad hinigpitan

MAAGA pa lamang kanina, nabuo na agad ang tensyon sa pagitan ng isang militant group at kapulisan sa Quezon City, ilang oras bago ang State of the Nation’s Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy“ Aquino III sa Kongreso.

Ilan kasi sa mga miyembro ng militanteng grupo, na ang karamihan ay mula pa sa Southern Luzon, ay nagawang makapuslit sa barikadang ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa Diliman Prep School na malapit sa Ever Gotesco dakong alas 6:30 ng umaga.

Ayon sa ulat, iniangat ng mga magpoprotesta ang isang steel railing sa kalsada para makadaan ang kanilang mga behikulo kabilang ang isang trak na may dalang sound system na gagamitin sa kanilang programa.

Pero agad namang natapos ang tensyon bago pa mag-alas 7:00 ng umaga, ayon pa sa ulat.

Sa kabilang dako, sumikip ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue nang sarhan ng pulisya ang ilang parte nito sa trapiko.

Naka-full alert ngayong araw ang kapulisan at nagkasa ng barikada sa mga strategic areas kabilan na sa St. Peter Church, Sandiganbayan, at Commission on Audit.

Iniharang din ang ilag trak ng basura malapit sa Sandiganbayan at COA habang ang police trucks ay ipinorma na malapit sa UP-Ayala Technohub area.

Mayroon na ring ipinaradang fire trucks at tow trucks sa Commonwealth Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply