PSC puppet ng POC
MILYON-MILYONG taxpayer ang naguguluhan at gustong malaman kung ano ba talaga ang mandato ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil ilang atleta umano ang nagrereklamo kung bakit namimili lang ng tutulungan ang nasabing ahensiya.
Ayon sa ulat, pangunahing responsibilidad ng PSC ay tulungan ang mga atletang Filipino lalong lalo na sa grassroot programs at iyong mga atletang lalaban sa mga international competitions.
Nagreklamo sa Remate ang Philipine Swim League (PSL) sa pangunguna ni Susan Papa kung saan umano ay naramdaman nila ang pulitika at pagiging sunod-sunuran ng PSC sa Philippine Olympic Committee (POC) sa ilalim ng pamumuno ni Peping Cojuangco.
“Ramdam namin ang harassment at talagang mainit ang pulitika na umiiral sa loob ng PSC, POC, at National Sports’ Associations (NSAs),” ani Papa.
Ayon sa grupo ng PSL lumapit sila kay PSC Com. Richie Garcia upang humingi ng Travel Tax at Terminal Fee Exemption para sa mga Filipino athletes na lalaban sa Singapore sa August 2-6, 2012 subalit ayaw silang bigyan.
“Takang taka kami kung bakit ayaw nila kaming tulungan dahil sa halagang P500 kada atleta ay pinahirapan nila ang mga miyembro ng PSL na sasabak sa competition sa Singapore na ang layunin ay makapagdala ng karangalan sa Pilipinas,” ani ng dismayadong si Papa.
Ayon sa insider, pinahihirapan talaga ng PSC ang PSL dahil kontrolado ng POC si Garcia at dinidiktahan nito na ang dapat bigyan lang ng suporta ay ang NSA na Philippine Swimming, Inc., na nasa ilalim ni Mark Joseph na kinikilala ng POC at hindi ang PSL na sumasalungat sa POC.
“Halatang halata naman na hawak ni POC chief Peping Cojuangco sa leeg itong si Garcia at kapag kalaban ng POC ang humihingi ng tulong ay siguradong hindi nila ito bibigyan at hindi mo na kailangang itanong kung bakit kontrolado ni Peping PSC” kwento ng insider.
Inamin ng mga kritiko na hindi talaga titino ang sports sa Pilipinas hangga’t umiiral ang matinding pulitika.JCHAN
dahil sa Entertainment City ng Pagcor sa Manila Bay: malakanyang, kumbinsido na gaganda ang ekonomiya ng bansa.
You must be logged in to post a comment Login