Public viewing kay Dolphy dagsa sa Heritage Park sa Taguig City

DINAGSA ng mga taga-hanga ang public viewing ang labi ni comedy king ngayong umaga sa Heritage Park, Taguig City.

Alas-2:00 kaninang madaling araw nang pansamantalang putulin angpublic viewing para kay Dolphy upang magbigay daan para sa isangmaikling palatuntunan.

Nagbigay naman ng pagbabasbas si Fr. Tito Caluag sa kabaong ni Dolphy gayundin ang huling pamamaalam ng mga opisyal at kawani ng ABS-CBN nakanyang naging tahanan sa loob ng apat na dekada.

Matapos nito ay isinakay na sa itim na karo ang labi ng Comedy King at tumulak patungong Taguig City.

Alas-8:00 ngayong umaga, muling bubuksan sa publiko ang labi ni Dolphy upang masilayan sa huling pagkakataon ng kanyang mga tagahangahanggang sa ihatid ito sa huling hantungan ngayong darating na Linggo,15 ng buwang kasalukuyan.

Public viewing kay Pidol, dinagsa ng mga fans Dumagsa ang mga tagahanga ng Comedy King Dolphy sa isinagawang publicviewing kagabi.

Tumagal ng may limang oras ang public viewing upang ilaan angnatitirang oras para sa paghahanda upang ibalik sa Heritage MemorialPark sa Taguig City ang labi ng yumaong Comedy King.

Habang isinasagawa ang public veiwing, tila pumatok din sa takilya angmga Pidol memorabilya’s tulad ng t-shirts, ang signatured puruntongpants at iba pang kagamitan.

Maging ang simbahang Katoliko ay nagpaabot na rin ng kanilangpakikiramay at panalangin para sa pagyao ng Comedy King Dolphy.

Ayon sa dating tagapangulo ng Catholic Bishops Conference of thePhilippines na si Jaro Archbishop Anghel Lagdameo, nagpapasalamat silasa naging paglilingkod ni Dolphy sa sambayanang Pilipino sapamamagitan ng may 200 pelikulang kinatampukan nito.

Naniniwala naman si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na tiyak na lalong pasasayahin ni Dolphy ang kalangitan dahil sa angking talento nito.

Ngunit paalala naman ni Cubao Bishop Honesto Ontioco na sa pagyao ni Dolphy ay dapat alalahanin ang may katapusan din ang lahat.

Bago ang kanyang pagpanaw kamakalawa ng gabi pilit na nasambit niDolphy ang mga katagang “Iuwi niyo na ako…”

Ayon sa anak ni Dolphy na si Eric Quizon, inihanda na ng pamilya ang kanilang mga sarili bago nila tinanggal ang life support ng kanilang ama.

Ayaw ng kanyang ama na nahihirapan pa sa kanyang karamdaman kaya’t bagama’t masakit ay ginawa nila ang nararapat.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng ilang mga taga-General Santos at Sarangani Province na masugid na tagahanga ni Comedy King Dolphy o Rodolfo Vera Quizon Sr sa totoong buhay ang pagpanaw nito.

Ayon sa dalawang opisyal ng Gensan na sina City Councilor Meg Santosat ABC President Lourdes Casabuena, napakalaki ng kontribusyon ng komedyanteng actor sa  sosyodad at hindi lang simpleng tawa ang kanyang naibigay sa sambayanang Pilipino kung hindi ang totoong pagbabago sa aspeto ng buhay ng bawat tao, na kahit sa napakaraming problemang kinakaharap ng  bawat tao, ay dapat mananatiling matatag.

Isang responsableng tao, ito naman ang pagsasalarawan ni ABC President Lourdes Casabuena  kay Dolphy na kahit sa napakaraming anak nito atnakasama ay hindi pa rin nya magawang makalimutan ang kanyang responsibilidad.

Samantalang may ilang matatanda  naman at mga kabataan ang nagsasabing bahagi na ang Hari ng Komedya sa buhay ng bawat Pilipino na kahitpaman ito’y pumanaw na, mananatiling buhay ang iniwan nitong alala,kontribusyon sa sining Pilipino na kakaiba at walang makakalampaskahit sino man sa kakaibang talento na kanyang ipinamalas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply