Public viewing sa burol ni Dolphy, bukas

BUBUKSAN sa publiko ang burol ng yumaong si King of Comedy Dolphy.

Sa panayam sa apo ni Dolphy na si Roel Quizon, bukas ang public viewing para sa mga tagahanga ng kanyang lolo sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Gayunman hindi pa masabi ng apo ng Hari ng Komedya kung anong oras bubuksan sa publiko ang burol ng kanyang lolo.

Mamayang hapon dadalhin ang labi ng King of Comedy sa Dolphy Theater sa ABS-CBN sa Quezon City at magtatagal doon hanggang alas-3:00 ng Huwebes ng madaling araw at ibabalik sa Heritage Memorial Park.

Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay ay ilang dekadang naging Kapamilya star.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply