Pulic viewing sa labi ni Dolphy maayos

BAGAMAN matindi ang init ng araw, di alintana ng mga tao na dumagsa sa public viewing ng mga labi ni Comedy King Dolphy sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig.

Kinailangan pa umanong lumakad ng halos kalahating kilometro ang mga tagahanga ni Pidol bago siya masilayan dahil na rin ipinagbawal ang pagpasok ng mga sasakyan upang maiwasan ang pagkakaroon ng trapiko sa loob ng libingan.

Tuwa ang nadama ng mga pumila matapos makita ang comedy king kahit pa limang segundo lamang ang itinakda sa bawat isa para masulyapan ang labi nito.

Nakaantabay pa rin ang mga tauhan ng Taguig PNP sa loob at labas ng Heritage Park upang magbigay seguridad at ausin ang trapiko sa kasagsagan ng public viewing at pagdagsa ng mga tao na galing sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila , karatig lalawigan at maging sa ibang bansa na sa anupamang paraan at dahilan  ay naging malaki ang impluwensya ng hari ng komedya.

Sa labas ng parke ay nagkalat ang mga nagtitinda ng mga memorabilia at novelty items na may larawan ni Dolphy gaya ng T-shirts, pins, pamaypay, payong at iba pa, na naging mabili dahil na rin umano sa pagmamahal ng mga tao sa kanya.

Todo trabaho naman ang mga manggagawa ng Heritage Park upang tapusin ang nitso ng yumaong komedyante na gagamitin na sa araw na linggo kung kailan siya itinakdang ilibing . Patuloy ang public viewing na nagsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon  at ito”y magpapatuloy ayon sa pamilya Quizon , hanggang Sabado .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply