Pulis, 2 pa, kinasuhan sa pagmaltrato sa 4 kabataan

KINASUHAN na sa korte ang dalawang opisyal ng barangay at isang pulis hinggil sa pagmamaltrato sa apat na menor de edad noong nakaraang buwan sa Quezon City.

Kasama ng kani-kanilang magulang at ilan sa mga miyembro ng Akap-bata partlylist group, nagsampa ang mga biktima ng kasong child abuse sa ilalim ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Againts Abuse, Exploitation and Discrimination Act at sa paglabag ng Anti-Torture Act o Republic Act 9745 sa QC Prosecutor’s Office laban kina chief of barangay watchmen Eleuterio Endoza Jr. ng Barangay Marilag at kay barangay council member Andy Abundo kabiang ang isang hindi nakikilalang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa kanilang 3-pahinang joint affidavit, sinabi ng mga kabataan na ang edad ay 12, 13, 14 at 16 anyos, na naganap ang insidente matapos kunin ng isa sa kanila ang tatlong tornilyo mula sa isang sirang dyip na nakaparada sa Magat Salamat St. sa Brgy. Marilag sa Project 4 noong Hunyo 23 dakong alas 7 a.m., para ibenta sa junk shop.

Sinabi  ng mga kabataan na hinuli sila ng apat na kalalakihan at isang babae, at sinabihan na ang sasakyan ay pag-aari ni Endozo. Bago isinakay sa behikulo, sinabi ng 16-anyos na biktima na sinampal siya ng isang hindi nakikilalang barangay tanod at saka dinala sa barangay hall at pinaghubad ni Endozo para malaman kung may tattoo sila sa katawan at  para malaman kung miyembro sila ng isang gang.

Kinuryente din sila sa pamamagitan ng stun gun at sinunog din ng sigarilyo ang ilan sa parte ng kanilang katawan at kung ano-ano pang pahirap ang ginawa sa kanila at ang mas masakit pa ay pinagtatawan sila ng mga suspect habang minamaltrato.

Sinabi rin ng pinakamatandang kabataan na may dumating na isang pulis sa barangay hall, at nilagyan ng mga bala ang pagitan ng kanyang mga daliri at saka pinisil ang kanyang mga kamay.

Ayon pa sa mga biktima, pinakawalan sila ni Endozo kinabukasan na ng dakong alas 1:30 at inabutan sila nito ng P20 at binalaan na huwag silang magsusumbong sa awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply