Pulis Caloocan nahaharap sa kasong kriminal, administratibo

NAHAHARAP sa kasong kriminal at administaratibo ang isang pulis sa Caloocan matapos manutok ng baril at mangholdap ng anim ng kataong naglalaro ng bilyar noong June 30 sa Brgy. Tala Caloocan City.

Ayon kay Supt.Ferdainand Del Rosario ng NPD police sasampahan nila ng kasong absent without leave (awol) kriminal at administaratibo si P01 Jake Zacarias, ng Northern District Police Safety Batatllon  (NPDSB) at pansamantalang nakatalaga sa Pangarap Police detachment sa nasabing lungsod.

Nag-ugat ang kaso laban kay Zacarias matapos magsampa ng reklamo sina Erwin Evangelista, Nelson Feriol. Celso Mahinay, Christopher De Guzman, Roderick Macuy, at si Noli Espaniol, pawang mga taga Brgy.Tala, Caloocan.

Base sa reklamo ng mga biktima. lasing na pumasok sa nasabing bilyaran ang suspek at agad nagbunot ng baril at saka linimas ang mga biktima ang mamahaling  2 unit ng celphone isang Samsung galaxy at cash na P4, 300. saka mabilis na umalis.
Naganap ang insidente ulat dakong alas 3:00 noong sabado ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng isang bilyaran sa nasabing barangay.

Hanggang sa kasalukuyang si P01 Zacarias ay hindi pa nagpapakita sa kanyang superior na si P/Insp, Allan Apa,  ng Pangarap Detachment kaya agad inaakyat ang kaso sa NPD head quarters

.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply