Pulis, isa pa tinutugis sa panghoholdap sa Caloocan

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang bagitong pulis at isa pang hindi kilalang lalaki matapos ireklamo ng panghoholdap ng anim na naglalaro ng bilyar sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Hunyo 30.

Nakilala ang pulis na si PO1 Jake Zacarias ng Caloocan City Police habang inaalam ang pagkakakilanlan ng kasama ng una.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, naglalaro ng bilyar ang grupo ni Erwin Evangelista sa Saint Joseph Avenue sa Tala ng lungsod nang pasukin ng mga suspek sabay nagpakilalang pulis si Zacarias.

Pinalabas ng mga suspek ang mga biktima at dinala sa madilim na lugar at kinuha ang mga cellphone at perang aabot sa P4,300 bago umalis ang mgasuspek.

Nagsadya naman sa presinto ang mga biktima at nagreklamo, dahilan upang hanapin si Zacarias na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa pumapasok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply