Pulis Maynila binoga sa Pasay

NANGANGANIB ang buhay ng isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong lalaki ngayong alas 9:48 ng umaga sa harap mismo ng Japanese Embassy, Pasay City.

Isinugod na sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang PO2 Lapuz na nakatalaga sa PNP Traffic ng Manila police.

Ayon sa ulat ni SPO1 Allan Valdez ng Pasay City Police Criminal Investigation Division, ang biktima ay nakasakay ng kanyang motorsiklo nang paulanan ng bala ng hindi nakilalang suspek.

Nakakuha ang mga pulis ng mga basyo ng bala sa crime scene habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply