Pulis Maynila utas sa pananambang

PATAY sa pananambang ang isang pulis Maynila hindi nakilalang suspek sa Sta. Ana, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ni Manila Police District-Homicide Section Senior Inspector Joey de Ocampo ang biktima na si PO1 Manuel Garcia na nakatalaga sa MPD Station 1.

Si Garcia ay namatay sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .45 baril.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez, imbestigador, bibili sana ng gamot ang biktima para sa kanyang asawa nang  mangyari ang pamamaril.

Ilan sa mga residente sa lugar ang nagsasabing lulan umano ng isang sasakyan ang suspek na matagal na nakaparada malapit sa bahay ng biktima at inaabangan ang paglabas nito.

Ayon sa pamunuan ng MPD nababahala na sila sa sunod-sunod na insidente ng pamamaslang sa mga Pulis Maynila.

Si Garcia ang pang-siyam na napatay ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply