Pulis na humarang sa convoy ni PNoy dati nang nasibak

DATI nang nasibak sa tungkuli si SPO2 Ricardo Pascua, ang pulis na humarang sa convoy ni Pangulong Benigno Aquino kahapon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng IBP Road, Quezon City. Ito ang sinabi ni QC Police District chief Superintendent Mario dela Vega ngayon.

Ayon kay Dela Vega, si Pascua at tatlo pang pulis ay unang nasibak makaraang ireklamo ng chief of staff ni QC Mayor Herbert Bautista.

Sa ulat sa radyo, nakitang nakasukbit ang baril ng mga pulis sa kanilang baywang habang nakasibilyan at nag-iinuman sa pampublikong lugar.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga pulis na isukbit ang kanilang baril habang nakasibilyan, lalo na’t nag-iinuman pa.

Ani Dela Vega, ang nasabing kaso ni Pascua ang magpapabigat sa parusa na kanilang ipapataw dito.

Madedesisyunan ang kaso ni Pascua sa loob ng 60 araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply