Pulis na humarang sa convoy ni PNoy, nag-sorry

HUMINGI ng kapatwaran at pang-unawa kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pulis na sinibak dahil sa pagharang ng saksakyan nito  sa papadaan na convoy ng Presidential Security Group sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng IBP Road sa lungsod Quezon.

“Alam ko naman po na mabuting tao ang ating Pangulo, kaya humihingi po ako ng dispensa sana mapatawad niya ako,” pahayag ni SPO2 Ricardo Pascua

Ayon pa kay Pascua, hindi umano niya napansin na paparating ang convoy ng Pangulo at hindi naman umano niya sinasadya na humarang sa dadaanan nito kung kaya’t humihingi siya ng paumahin dito dahil sa hindi sinsadyang pagkakamali.

Matatandaan na agad na sinibak ni Quezon City Police District Chief Superintendent Mario dela Vega si Pascua matapos ang pangyayari bukod pa sa may kakaharapin pa itong administrative charge.

Napag-alaman na pasado alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave., sa kanto ng IBP Road sa lungsod.

Sinasabing pinatatabi umano ng isang miyembro ng PSG ang mga sasakyan para makadaan ang convoy ni Pangulong Aquino na patungo sa La Mesa Dam subalit hindi umano agad tumabi ang isang kulay pulang Mitsubishi Adventure (ZJK-679) na minamaneho ni SPO2 Pascua.

Agad na nilapitan ng isang miyembro ng PSG si Pascua at nagkaroon pa umano ng komprontasyon bago dinala si Pascua sa himpilan ng QCPD-Station 6 kung saan ito nagpakilalang pulis.

Si Pascua ay may 30 taon na sa serbisyo at nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 1 ng QCPD-Station 4.

Sa kasalukuyan, si Pascua ay nasa Camp Karingal at sasailalim sa masusing imbestigasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply