Pulis na nakabaril, kakasuhan ng murder

KASONG murder ang isasampa ngayong araw ng pulisya laban sa kanilang kabaro na bumaril at nakapatay sa kanyang kaibigan noong Biyernes ng madaling araw sa Paranaque City.

Ito’y sa oras na hindi pa rin sumuko ang suspect na si PO2 Joseph Padilla, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 7 ng Paranaque Police upang ibigay ang kanyang panig kaugnay sa umano’y ginawang pagpatay sa biktimang si Roniel Javier, 28, residente ng Tramo 2, Palanyag, Barangay San Dionisio.

Napag alaman na si Javier ay binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo ni PO2 Padilla matapos na magtungo umano ang pulis sa bahay ng biktima upang komprontahin kaugnay sa umano’y ginawang pagta-traidor ng nasawi.

Ayon kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Paranaque Police Station Investigation Section, pasado alas-2 ng madaling araw nang magtungo ang pulis sa bahay ng biktima at inutusan ang kalive-in nito na si Liezel Aranas na gisingin ang kinakasama dahil may importante silang pag-uusapan.

Galit na galit umano ang pulis at pinagbintangan na kinatalo siya ng nasawi sabay bunot sa kalibre .45 baril at sa harap ng dalawang anak at kinakasama ay binaril sa ulo ang biktima.

May hinala naman ang pulisya na posibleng may kinalaman sa salapi ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Sinabi ni Sy na magkaibigan ang dalawa at palaging nauutusan ng pulis ang biktima sa iba’t-ibang bagay na sila lamang ang nakakaalam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply