Pulis na nakagitgitan ng convoy ni PNoy tuluyan nang sinibak

TULUYAN nang inalis sa serbisyo ang isang aroganteng police officer na nakagitgitan ang convoy ni Pangulong Benigno Aquino III sa Quezon City noong nakaraang Martes.

Ayon kay DILG Sec. Jesse Robredo, ilan sa dahilan ay ang mga dating kasong kinaharap ni SPO2 Ricardo C. Pascua Sr. sa National Police Commission, gaya ng grave misconduct mula noong June 2001 pero nakapagtatakang nakabalik ito sa puwesto at nagawang maloko ang kanyang mga superior at nakatatanggap pa ng sahod at benepisyo sa PNP.

Maliban sa mga kasong administratibo at kriminal na kinahaharap nito, nadagdag pa ang nangyari noong Martes kung saan ginitgit pa nito ang convoy ni Pangulong Aquino.

Nabatid kay Napolcom Commissioner Eduardo Escueta na dalawang beses nang nadismis si Pascua mula Hunyo 30, 2001 at Dec. 10, 2002 batay sa magkahiwalay na desisyong inilabas ng People’s Law Enforcement Board sa Quezon City dahil sa mga kasong grave misconduct.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply