Pulis sa daang matuwid; tinamaan ng jueteng

SIRANG-SIRA man ang imahe ng Philippine National Police sa mata ng publiko, marami pa ring tulad ng inyong lingkod ang naniniwala na iilan lang ang ‘bulok’ na miyembro sa serbisyo na napahalo sa matitino.

Hindi aabot sa sampung porsiyento ng halos 140,000 opisyal at miyembro ng PNP ang tumatahak pa rin sa ‘daang matuwid’ na ipinagyayabang ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino.

Marami sa mga malilinis ang pangalan ay hindi naman nabibigyang-pansin dahil mas sumisikat at nakikilala ang mga gumagawa ng kabulukan at kabulastugan.

Kaya naman bukas ang kolum na ito sa mga sulat at text ng pasasalamat ng mga mambabasa sa mga alagad ng batas na nakatulong sa kanila maliit man o malaking paraan.

Isa na rito ang pasasalamat ng ama ng pinaslang na tinedyer na si Jayson Torres, 17, noong ika-5 ng Disyembre, 2005 sa Angeles City, Pampanga. Walang hanggang pasasalamat ang ipinaabot ng nasabing magulang kay SPO3 Arsenio Caraveo, ng Cubao Police Station, follow-up section, at mga tanod ng Barangay Kaunlaran sa pangunguna ni Ex-O Roldan Atentar dahil sa pagkakaaresto kamakalawa sa suspek na si Abner Lomboy, 31, ng Purok48, Arayat Boulevard, Barangay  Pampang, Angeles City.

Malaki ang paniwala ng pamilya na mabibigyang-katarungan na ang pagkamatay ni Torres sa pagkakasilbi ng warrant of arrest laban kay Lomboy na ipinalabas ni Judge Angelica Quiambao ng Angeles City Regional Trial Court branch 9. Walang piyansang inirekomenda ang hukom para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Maging ang mga tauhan ng Quezon City PoliceDistrict, homicide section, sa pangunguna ni Insp.Elmer Monsalve ay walang sawang tumutulong sa mga biktima ng karahasan upang malasap ang katarungan.

Maraming kaso na rin ang nalutas ni Monsalve at mga tauhan kaya na-man dapat lang na bigyan ng pagkilala sila ng pamunuan ng PNP.

Nabuhayan naman ng loob ang ilang nabiktima ng illegal recruiter na si Amy Sanchez na naaresto ng mga tauhan ni Sr. Insp.Rolando Lorenz, hepe ng Manila Police District, City Hall Public Assistance (CHAPA).

Mabilis ang naging aksyon ni Lorenzo matapos hingian ng tulong ng biktima na nais makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa.Sa mga kabutihan at tikas ipinakikita ng mga pulis na ito, unti-unting nalilinis ang imaheng nilalagyan ng batik ng ilang tiwaling pulis.

Nakababawi ang PNP sa mga tauhang katulad ng mga naitala kaya dapat na alagaan ang mga ito upang pamarisan.

Samantala, talamak na ang jueteng ng isang alias Mendoza sa Novaliches, Quezon City. Hindi lang sa Nepa-Q Mart may bolahan ng jueteng ang kolokoy na ito kundi maging sa Novaliches.

Maaaring hindi pa ito nakararating sa kaalaman ni Secretary to the Mayor Taddy Palma na nais maging malaya ang kanyang nasasakupan sa ngalan ng sugal.

Ang masaklap nito, sa parte ng  PNP ay isang pulis ang nagpapalawig ng operasyon nito. Si SPO1 Jing Asenas ang kumokontrata sa mga kabo at kubrador na lumipat na sa jueteng ni Mendoza dahil kung hindi ay paghuhuhulihin niya ang mga ito, kasama ang mga mananaya.

Galit tuloy ang mga pulis ng Talipapa Police Station sa operator ng na-sabing jueteng dahil pati sa lugar na nasasakupan nila ay tumatawid ang iligal na sugal na ito. Mahirap nga namang madamay sila kapag may tina-maan ang jueteng.

Paano ba masusugpo ang operasyon ng jueteng kung pinoprotektahan ng mga katulad ni Asenas? Hindi makikilala si Asenas sa Novaliches Police Station dahil hindi naman ito nag-uuniporme. Pero siya ang siga sa lugar dahil siya ang kanang kamay ng hepe.

Naku naman, National Capital Region chief Dir. Alan Purisima, maganda kung simulan mo nang kalusin ang mga pulis na ito na posibleng maging hadlang pa sa pagtaas mo sa puwesto.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply