Pumapatak na naman ang ulan sa bubong

MABUTI pa si Senador Manny Villar. Hindi na tumutulo ang ulan sa bubong ng dating bahay niya.

Nguni’t paano naman kaya ang mga bubong ng mga sawing palad?

Simple lang ang solusyon, maaring sabihin ni Senador Man-ny Villar.

Sipag at tiyaga lamang ang kailangan, hindi sikwat at taga. Bumili ng bahay sa Camella.

Doon, hindi na sila matutuluan ng patak ng ulan.

At malamang na hindi na anurin ng baha ang kanilang mga bahay. May kasabihan nga ang mga taga-Europa at America. When it rains, it pours.

Pero may bagong kasabihan din ang mga taga-Metro Manila. Sa Maynila, when it rains, it floods.

Kaya noong isang araw, nagu-lantang na lang tayo sa pagbaha ng suwerte ng isa pang nilalang, si dating Pangulong  Gloria Macapagal Arroyo.

“Salamat sa Diyos,” wika nii ginang Gloria.

Ano kaya ang ipinagpasasa-lamat ni Mrs. Gloria?

Si Gloria ay isang taong relihi-yosa. Relihiyoso rin si dating Cala-uan Mayor Sanchez.

Naglalakad siya noon nang paluhod araw-araw sa paanan ng isang birhen kaya ang mga tuhod niya ay kinalyo na. May Rosario pa siya. May Ligaya pa. At laging may Gloria.

“Diyos ko,” sambit din ni dating Comelec chairman Ben Abalos. “Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng P100 million!”

Salamat, maaaring nasabi ni Gloria noong isang araw dahil binig-yan na siya ng pansamantalang kalayaan ng isang huwes na ina-kusahan ni Chairman Abalos na si-nusuhulan siya ng P100 million para sa temporary liberty.

Salamat din at pinatigil ng San-digang Bayan ang pagpapakulong muli kay Gloria sa kasong plunder.

Salamat din sa Judicial Board

Council (JBC) na mukhang ayaw isali sa listahan si Justice Secretary Leila de Lima ng mga aplikante para sa Chief Justice.

Baka galit ang JBC sa mga nagpatalsik kay convicted chief justice na si Renato Corona.

Bakit? Close ba ang JBC kay Corona? Close ba ang Sandigan kay Corona at kay Gloria?

Ang buhay nga naman. When it rains, it pours.

Kawawa naman ang mga poor. And when it rains, it floods, lalo na sa mga nakatira lamang sa mga estero.

Pero sa mga makapangya-rihan, puno ng loop holes ang ba-tas. Puro butas. Mga butas na ang tinatamaan ay ang bubong ng mga dukha, na mahihina.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply