Pumila sa ICC sticker: Rider nanakawan ng motor

NAGNGINGITGIT sa galit na nagtungo kaninang umaga sa tanggapan ng Anti Carnapping Unit ng Pasay City Police ang isang motorcycle rider nang manakaw sa parking area ng Cuneta Astrodome ang kanyang motorsiklo habang pumipila sa pagkuha ng ICC Sticker sa Pasay City.

Kinilala ni SPO2 Erlano ng ANCAR Unit ng Pasay City Police ang biktima na si Federico Beligario y’Aloba 41, residente ng No.994 Santiago St. Daop Palad Merville ng naturang lungsod.

Ayon sa pahayag ng biktima, dakong alas:6:30 ng umaga nang iparada niya ang gray Suzuki motorcycle na may plakang XD-8799 sa harapan ng Cuneta Astrodome sa parking area upang magpa-registration ng Import Commodity Clearance (ICC) Sticker sa tanggapan ng DTI sa Pasay City.

Dahil sa haba umano ng pila ay nagtiyaga ang biktima na pumila upang makakuha ng ICC stickers nguni’t dakong alas:6:30 ng gabi nang makabitan ng stickers ang kanyang helmet na dala sa DTI subali’t laking gulat nito ng makitang nawawala na ang kanyang motorsiklo na ipinarada sa parking area ng Cuneta Astrodome.

Himutok ng biktima, saan niya ngayon gagamitin ang helmet na may ICC stickers gayung ninakaw na ang kanyang motorsiklo.

Sa pagbabakasakali ng biktima na makita pa ang Suzuki motocycle nito ay nagtanong-tanong ito sa mga mga bystander na nakapila sa harapan ng Cuneta Astrodome kung may napansin silang lalaki na kumuha ng kanyang motorsiklo pero wala umanong  napansin.

Nabatid pa kay SPO2 Erlano na hindi lang si Beligario ang ninakawan ng motorsiklo habang nakapila sa harapan ng Cuneta Astrodome kundi dalawa pang motor rider ang nawalan ng motorsiklo habang kumuha ng nasabing sticker.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply