Puna ng Obispo sa EO sa pagmimina, binuweltahan ng Palasyo

BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang panlalamig ng Simbahan sa bagong Executive Order na ipapalabas ng Malakanyang kaugnay sa mining.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na mas makakabuting hintayin muna ni Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ang ilalabas na EO bago pa magbitiw ng salita na magiging short-term resolution lamang ang EO.

“Perhaps it would be better to hold off any comments before seeing the actual EO and seeing what the provisions are,” ang pahayag ni Usec. Valte.

At para naman sa mga gobernador na nagpahayag ng pagdududa sa EO, sinabi ni Usec. Valte na “ hintayin po muna natin ‘yung paglabas ng mismong EO. Huwag po tayo munang makinig doon sa mga haka-haka, mga sinasabing nakalagay daw. Ngayon po, kapag naiprisinta na, basahin po natin, aralin po natin, at saka po tayo magbigay ng ating komento.”

Tiniyak ng opisyal na kaya nilang depensahan ang nilalaman ng EO. “Prepared po tayo to defend it. ‘That is usually the case, whenever the Executive comes out with an executive order or even an AO, an MC, an MO—dini-defend, handa po tayong i-defend ‘yan if it is challenged,” ani Valte.

Sa ulat, mas gusto ng Simbahan na ipatupad  na lang ng pamahalaan ang Alternative Minerals Management Bill (AMMB), na kasalakuyang nakabinbin pa sa Kongreso.

Napagkasunduan ng mga 50 obispo at mambabatas ang desisyong ito sa isinagawang national forum sa pagmimina sa Pius XII Catholic Center sa Manila noong Huwebes.

Pinangunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA-JP) ang nasabing forum.

“We cannot deny how mining has negatively affected the situation of the poor in our country; the farmers, fisher folks, indigenous people; everyday we are confronted with the reality that it has to be changed,” ayon kay NASSA chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Sabi ni Pabillio: “While we are still not sure about the status of the executive order on mining, that policy will only provide short-term resolution to our situation. What we need is a rationalized policy that will have sustainable and positive impact to generations ahead.”

Nauna nang pinirmahan  ni Pangulong Benigno Aquino  III ang EO ukol sa pagmimina sa bansa.

“In all likelihood (it will be made public) Monday afternoon, you can expect a briefing Monday afternoon… We will release the EO at the same time we will be briefing through Sec. Paje the details of the EO,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Aniya, magkakaroon ng briefing si Paje kasabay ang pagpapalabas ng EO para “walang agam-agam… dahil maraming nag-aabang at inaabangan ng business and mining industry at environmentalist.”

Inihayag ni Paje na maaaring ilabas ang EO ngayon Hulyo 9. Tumanggi naman siyang sabihin ang mga pagbabagong isinagawa sa naunang burador na ipinasa noong Hunyo.

Matagal nang inabangan ang pagpirma ng Pangulo sa EO na inaasahang magsasaayos ng magkasalungat na interes ng mining industry, lokal at pambansang pamahalaan, at mga environment advocates.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply