Puno nabuwal, 4 bahay sira nang mabagsakan

NASIRA ang apat na kabahayan nang mabuwal ang isang malaking puno sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin sanhi ng monsoon na dulot ng Tropical Storm Gener (Saola) nitong Linggo ng gabi (Hulyo 29).

Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa insidente na naganap dakong alas-10:30 kagabi pero nabagsakan ang apat na bahayan na nasa Andrew St., sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal.

Dumating naman agad ang tropa mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at tinagpas ang mga sanga ng puno, dagdag pa ng ulat.

Hinihinalang lumambot ang lupa sa kinatitirikan ng naturang puno kaya ito bumigay at bumagsak sa mga kabahayan.

Bumagsak ang malalas na ulan dala ng southwest monsoon na pinalakas ng Gener at ng isang shallow low-pressure area sa ilang parte ng Metro Manila at sa katabing mga probinsya nitong kagabi.

Samantala, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na may apat na vessels ang iniulat na sumadsad sanhi ng masamang lagay ng panahon.

Sangkot sa isang insidente ay ang MV Maria Angelo, na sumadsad sa buhangin may 540 yards mula sa pier sa Pilar, Sorsogon.

Mayroon itong 232 pasahero, dagdag pa sa ulat.

Isang cargo vessel din na may dalang fertilizer ang sumadsad sa Mariveles sa Bataan.  (Robert C Ticzon)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply