Pustiso ng holdaper, wasak sa suntok ng bebot

DAHIL sa malakas na suntok ng biniktimang babae ay nabasag ang pustiso ng 24-anyos na holdaper sa Paco, Maynila kagabi.

Nakapiit na sa Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5  ang suspek na si John Cawrlo Abello, ng  831 Pandacan St., sakop ng Paco habang kinilala naman ang biktima na si Febbie Mae Tribiana, 22, ng 1340 Perdigon St., Paco.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:45 kagabi nang maganap ang insidente sa Paco Manila.

Nabatid na naglalakad sa nasabing lugar ang biktima nang lapitan ng suspek at agad na tinutukan ng patalim saka nagdeklara ng holdap.

Hindi naman natakot ang biktima bagkus ay nanlaban ito at nagawang suntukin sa nguso ang suspek dahilan upang mabasag ang pustiso nito.

Dahil sa pagiging maagap ng biktima ay nakahingi ito ng saklolo sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip  kay Abello.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply