Puwede akong mabuhay nang walang lalaki — Snooky

TWICE lang naming nakausap si Snooky nitong mga nakaraang taon. In these two encounters, laging may lalaki sa tabi niya.

Siyanga pala, bago yung dalawang encounters, may lover si Snooky na may agency. Nakalimutan na namin yung name ng lalaki, pero that time super in love si Snooky at umasang ito na yung lalaking magiging katuwang niya.

Taliwas ang nangyari, dahil ipinagluksa niya yung hindi magandang paghihiwalay nila.

Kalbo si Snooky sa una naming pagkikita. May kinalaman ito sa isang movie na supposedly ay gagawin niya. Sad to say, the movie never became a reality.

Sa Pampanga yung meeting na yun, sa premiere showing ng isang pelikulang kasama siya. Anyway, kasama siyang dumating sa Pampanga ng isang lalaki.

Sabi ni Cookie, manliligaw raw niya.

Dugyot ang hitsura ng lalaki. Mukhang di mayaman, di rin guwapo. Pero sweet sila na parang sila lang ang tao sa mga lugar na pinuntahan namin.

Anyway, habang kumakain kami sa isang resto sa Pampanga nagkaroon ng komosyon, binato ng telepono ni Snooky ang lalaki. Parang nagkaroon sila ng pagtatalo. Pero matapos ang komosyon balik normal ang lahat, parang wa- lang nangyari.

Sumunod na pagkakataon, we met Snooky sa Cabanatuan City, kaugnay ng isang eskuwelahang ipinatayo kuno niya. Meron rin siyang kasamang lalaki roon.

Hindi man inamin, pero mukhang lover rin niya yun. Sa kaguluhan nauwi ang eskwelahan. Di na ito natuloy dahil puno ng korapsyon ang buhay niya noon kasama ang isang di kaaya-ayang personalidad who was supposedly her manager.

Ang alam pa namin, nagpalit ng relihiyon si Snooky alang-alang sa lalaking sabi nga namin parang tipong lover niya.

Hindi na namin naringgan ulit ng mga bagay-bagay kay Snooky. Aside from the fact na sobrang pasaway niya after that, wala ng nangyari pa sa career niya.

Heto na naman ngayon si Snooky, muli na namang nasa limelight. But this time, iba naang tono ng kanyang mga litanya.

Kesyo ayaw na raw muna niya ng lalaki. Puwede naman daw siyang mabuhay ng walang lover sa buhay niya.

Walang halong showbiz ang pagsasabi ni Snooky Serna na meron na siyang katahimikan sa puso niya ngayon kahit walang lalaki sa buhay niya. Minsan nga raw, sa pagiging tahimik niya, napagkakamalang nalulungkot siya.

Chill lang ako. Cool. Hindi na ako dung・dgy. Mas gusto ko nga na sa taping, hindi naman sa nagbubuhat ng bangko, this is always God’s good grace na naghihintay ako sa set. Kesa ako yung hinihintay.

There are perks also of being on time. Kasi people treat you with respect and they・ feel the genuine like. Hindi  yung ngingitian ka pero ngiting-aso pala.

Bilang nagmamaldita ka! Ha! Ha! Ha!

But gone are those days. Finish na yon,・pahayag ni Snooky sa contract signing niya sa Regal Entertainment bilang hudyat ng pagbabalik ng prodigal daughter ni Mother Lily.

Isa rin si Cookie sa artists ng bagong tatag na talent management company na Growl Entertainment na pinagsososyohan ng magkakaibigang sina Roselle Monteverde, Girlie Rodis at Leo Dominguez.

Nasa part 2 ng Angelito Batang Ama si Snooky ngayon at natutuwa siya sa magandang feedback sa programa. Sa pro -ject niya sa Regal, nakatakda siyang isama sa movie nina Marian Rivera at Coco Martin.

I’m very, very grateful kay Mother, kay Roselle, kay Leo, Tita Girlie, that they gave me this big blessing and all I can do is to give back, siguro yung trust na binigay nila sa akin ngayon. And to really wish them well. Pray for them.

They’ve been so kind and supportive all these years. Kahit na sabihin nating hindi sila open na nagsu-support para sa akin. Pero they are always been the wind beneath my wings so to speak,・paliwanag ng aktres.

Pangungutang ni Nora Aunor iniimbestigahan ng TV5

MARAMING mga bagong shows na bubuksan ngayon ang TV5 at kapansin-pansin na wala sa line-up ang isa pa nilang malaking contract star na walang iba kungdi ang Superstar Nora Aunor.

Pero nilinaw ni Sir Perci Intalan ng TV5 na may naka-line-up daw na isang napakalaking serye for Guy na suppo sedly ay sisimulan na ngayong Setyembre.

Kasalukuyang nasa U.S. ang Superstar para nga sa operasyon ng kanyang lalamunan at ipinagpaalam naman daw nito ang pag-alis. Ang usapan daw nila ay babalik ito ngayong Agosto pero iko-confirm pa raw niya sa manager na si Boy Palma kung kelan talaga ang balik nito.

Isang napakalaking soap daw ang naka-line-up sa Superstar na hindi pa niya pwedeng i-divulge.

“Malaki siya and it’s something that she hasn’t done yet. So, exciting. Madugo itong i-produce so, we have to start production itong last few months of the year, kung maihahabol namin ang airing for 2012, ihahabol namin, pero ang instruction ko, because of the scale of it, ayusin muna tapos magbangko ng episodes kasi baka maabutan kami, eh ayoko siyang tipirin na parang minadali,”sey ng TV5 boss.

Kung naoperahan na si Guy sa lalamunan ay hindi pa rin daw niya alam. Nitong nakaraang July 11 ang schedule ng operasyon ng Superstar pero hindi na raw siya nakahingi ng update since naging abala nga sila lahat sa pagyao ni Tito Dolphy.

Tungkol naman sa balitang-balitang pangungutang ni Guy sa kabila ng may natatanggap itong TF sa TV5, ayon sa TV5 bossing ay pinapa-verify pa niya ang tsismis na ito.

Kasi si Boy Palma ang in-assign namin talaga from TV5 na siya  yung nakatutok kay ate Guy. So, sabi ko sa kanya, ‘Kuya Boy, can you verify lang if it’s true? I know that may mga rumors lagi.

So, I want to just check how true it is, and secondly, if she really needs help, kung okay lang siya ron. Kasi, may sweldo naman siya actually. Ang worry ko and I told Kuya Boy, I just wanna make sure na naa-access niya yung account niya rito.

“Kasi, baka may pera siya pero hindi niya ma-access kaya siya nagkaproblema, whatever. So,  yun yung huling usapan namin. Si Kuya Boy naman, if ever there’s a problem, he would text me, eh. Honestly, hindi pa kami nagkaka-usap. So silence means everything is okay,”paliwanag ni Sir Perci.

Samantala, isang malaking pagbabago ang ginawa ng Kapatid network sa primetime programming nila ngayong Hulyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong shows tulad nga nitong Enchanted Garden, Third Eye at Artista Academy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply