QC Mayor Bautista, iskam sa ‘Eng.’ office talamak (2)

SINASABING talamak daw ang sindikato diyan mismo sa loob ng tanggapan ni En-gineer  Joselito Cabungcal, sa Quezon City Engineering Office kung saan ay mga empleyado rin ng nasabing tanggapan ang mga guma-gawa nito.

Posible ring kilala ni Eng. Mel Quintos kung sino-sino  itong matunog na  mga taga  Engineering Office  na mada-las na nangongontrata sa ilang proyekto ng Quezon City  Government.

Sabagay, maliliit lamang naman daw ang mga kino-kontrata ng mga  bugok na ito sa mismong tanggapan ni Cabungcal  dahil sinasabing  pawang mga proyekto lang ng Barangay.

Tanong ko lang, ilan ba ang Barangay mayroon ang Quezon City? Kahit na ba maliliit lang ang mga pro-yekto sa dami ba naman ng  mga barangay sa nasabing lungsod, aba, eh milyon din ang halaga niyan.

Ito umano ang  modus operandi  ng ilang  tiwaling  taga-Engineering  na nagna-nakaw ng kontrata at paiba-iba umano na kompanya ang gamit nila para hindi raw ma-halata.

Pero  buko naman ang mga ito  sa paggamit  ng pa-ngalan ng kompanya na pag-aari ng kanilang kaibigang negosyante na may kaugna-yan  sa pangongontrata  ng mga proyekto.

Sa kalokohang ito ng mga taga-Engineering Office ay talo at  kawawa rito ang  mga maliliit na kontratista  na lu-malaban  ng bidding  at su-musugal para lang  maka-kuha ng kakarampot na pro-yekto .

Kawawa naman ang ma-liliit na kontraktor na walang kakilala sa tanggapan ni Ca-bungcal, walang kalaban-laban sa mga kontraktor  na  mga inspector pala ng Engi-neering Office.

Sabagay, sino nga ba ang unang nakaaalam kung may-roong proyekto ang Quezon City Government kundi ang mga nasa loob din,  kaya hindi nakapagtataka kung  lalabas  na mababa ang ka-lidad ng mga proyekto sa mga Barangay.

Mayor Bistek, akala ko ba ay naituwid mo na ang  bakuran mo, hindi pa pala.

Kilos po, Mayor, malapit na naman ang election, ‘wag kang tutulog-tulog sa pan-sitan.

Abangan po ninyo kung sino-sino ang mga opisyal ng Quezon City Hall ang mga nakikinabang sa sin-dikatong ito sa QC Engi-neering Office.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 0908723-0036 o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.-com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply