Queen Sofia of Spain nasa UST

BUMISITA ngayon si Queen Sofia ng Spain sa University of Santo Tomas (UST) sa Espana, Maynila.

Nanguna sa pagsalubong sa reyna ang bagong talagang rector ng unibersidad na si Father Herminio Dagohoy.

Nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Monsignor Miguel de Benavides (nagtatag ng UST) si Queen Sofia kasama ang mga opisyal ng unibersidad.

Ito na ang ikalawang pagbisita ng reyna sa UST. Noong 1974, ginawaran ni King Carlos de Borbon ang UST ng honorary doctorate degree in law.

Isinailalim sa royal patronage ng Spain monarchy ang UST noong 1680.

Noong 1785, tinawag namang Royal University ni King Charles III ang unibersidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply