Queen Sofia sinalubong ng red carpet

RED CARPET ang sumalubong kay Queen Sofia ng Spain sa pagdating nito sa Albay kaninang umaga.

Pinangunahan ni Albay Governor Joey Salceda kasama ang iba pang mga opisyal ng lalawigan ang pagsalubong sa reyna.

Bukod sa red carpet na pagsalubong ay naghanda rin ng presentation ang mga cultural dancer ng lalawigan na maaga pa lang ay nasa paliparan.

Nagkaroon din ng parada sa kalsada na dinaanan ng reyna na bahagi pa rin ng pagsalubong sa kanya.

Pagbaba ni Queen Sofia sa Peñaranda Park ay pinagkaguluhan siya ng mga tao.

Pinangunahan ng reyna ang pagpapasinaya sa rebulto ni Spanish Governor Jose Ma. de Peñaranda.

Sumunod dito, pinuntahan ni Queen Sofia ang ikatlong distrito ng Albay, partikular ang bayan ng Camalig at lungsod ng Ligao kung saan may mga proyekto ang pamahalaan ng Spain.

Ilan pa sa mga nakatakdang bisitahin ni Queen Sofia ang Albay’s Camalig School, ospital sa Ligao City at ang Academy of Climate Change sa lungsod ng Legaspi.

Sa lungod ng Legaspi rin makikipagkita ang reyna sa ilang representante ng United Nation kasama si City Mayor Geraldine Rosal kung saan si Gov. Salceda ang magsisilbing host.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply