Rain or Shine luhod sa Gin Kings

LUMAKAS ang tsansa ng crowd favorite Barangay Ginebra na makapasok sa Final 2 ng lasingin nila ang league-leader Rain or Shine, 95-86 kagabi sa semifinals ng 2012 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ng Gin Kings ang 8-4 win-loss slate at kailangan nilang ipanalo ang huling dalawang laro upang lalong pagtibayin ang hangad na titulo sa nasabing pinakasikat na liga sa bansa.

Makakalaban ng Gin Kings sa Linggo ng gabi ang nasa No. 2 spot ng team standings na B-Meg Llamados.

Tatlong sunod na panalo ang tinarak ng Brgy. Ginebra matapos ang 5-4 finish sa elimination round.

Muling inangklahan ni MVP-candidate Mark “The Spark” Caguioa ang Gin Kings laban sa Elasto Painters ng kumamada ito ng 29 puntos.

Naunahan ang tropa ni Gin Kings coach Siot Tanquingcen sa first canto, 18-28 subalit naitabla ito sa first half, 45 all ng magsimulang umarangkada sina Caguioa at import na si Cedric Bozeman.

Sa third canto ay umunat na ng bahagya ang Gin Kings, 70-65 at tumuloy-tuloy ito hanggang sa last period.

Tumipa si Bozeman ng 19 points habang bumakas din sina Kerby Raymundo at Jayjay Helterbrand ng 15 pts. at 11 pts. ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply