Ramadan simula na ngayong araw

PORMAL na ipinahayag ng mga mananampalatayang Muslim ang pagsisimula ngayong araw ng Sabado ang isang buwang pag-aayuno.

Mismo ang Grand Mufti ng Darul Ifta na si Shiek Omar Pasigan ang nag-anunsiyo, dahil hindi nakita ang buwan kaya ngayong Sabado magsisimula ang Ramadan.

Bilang pagsunod sa banal na tradisyon kapag panahon ng Ramdan ay ipinagbabawal sa mga Muslim ang kumain at uminom sa araw. May itinakdang oras kung kailan kakain sa gabi.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang lahat ng bagay na ipinagbabawal ng Islam.

Kaugnay ng Ramadan, nagpaabot na ng pagbati sa mga Filipino-Muslim si Pangulong Benigno Aquino III.

“As the Holy Month of Ramadhan begins, we send greetings of solidarity to all our Muslim-Filipino brothers and sisters. The coming weeks shall be dedicated to the solemn fulfillment of the tenets of your spirituality, demanding  great sacrifice and due discipline, as an act of surrender to Allah, the beneficent, and all-merciful,” nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Presidential Spokesperson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply