Rambulan sa sayawan sa Cotabato, 3 patay

KIDAPAWAN CITY– Patay ang tatlo katao at lima ang nasugatan nang mauwi sa rambulan ang pagkukrus ng landas ng magkaaway na grupo sa loob ng sayawan sa lalawigan ng Cotabato.

Nakilala ang mga namatay na sina Agaton Bernabe, Romeo Francisco Egan at Richard Demetrio, habang sugatan naman sina Jeje Egan, Julie Corbena, Bernard Macario, Arnold
Egan at Ali Bernarbe.

Ayon kay Alamada chief of police S/Insp. Rolando Panzo, dakong alas-11:00 ng gabi, nasa kasagsagan ng diskohan sa Sitio Kabuluan, Barangay Bao, Alamada, North Cotabato nang magtagpo ang landas nina Agaton Bernabe at Romeo Egan na matagal nang may alitan.

Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa biglang nagsaksakan at nagkabarilan ang magka-away na grupo.

Natigil lamang ito nang dumating ang mga CVO, CAFGU at mga barangay official.

Agad namang isinugod ang mga sugatan sa iba’t ibang pagamutan sa bayan ng Midsayap.

Ipinag-utos na ni Cotabato PNP provincial director S/Supt. Cornelio Salinas kay Panzo ang masusing imbestigasyon sa naturang pangyayari.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply