Rapid Response Team ipadadala sa Syria

MAGPAPADALA ng tulong ang Rapid Response Team ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Syria para sa pagpapauwi sa 6,000 pang Pilipino doon.

Ayon sa DFA, makikipag-ugnayan sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine National Police (PNP) para pagtulungan ang repatriation lalo na sa mga lugar na inilagay na sa crisis alert level 4.

Ang nabanggit na hakbang ng DFA ay kasunod ng pagkakapatay sa Defense Minister ng Syria na bayaw ni President Al-Assad.

Kaugnay nito, nangako ang DFA na pipiliting mapa-uwi ang mga naipit na Pinoy sa kabila ng mataas na singil ng mga employer kapalit ng exit visa na umaabot sa sampung libong dolyar.

Sa kabuuan, mayroon ng 1,775  Pinoy ang nailikas palabas ng Syria mula nang ipatupad ang mandatory repatriation noong December 2011 dahil sa nagpapatuloy na karahasan doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply