Re-registration sa ARMM nananatiling mapayapa

MAPAYAPA pa rin ang pagpapatuloy na general re-registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kabila ng ilang problemang kinakaharap sa registration centers partikular sa Cotabato.

Ito ay batay na rin sa monitoring ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sinasabing kabilang sa problemang naranasan sa lugar ay ang pag-hang ng computer, power interruption, pagkakadiskubre sa hakutan at harassment.

Pero ayon sa PPCRV-ARMM ay nananatiling maayos ang kanilang ginagawa.

Ang 10 araw na re-registration sa ARMM ay bilang paghahanda sa 2013 midterm election na sinimulan noong Lunes, July 9 at magtatapos sa July 18.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply