Reclamation sa Maynila at ‘flip-flopping’ ng SC

MARIING tuligsa ang inabot ni Manila Mayor Fred Lim mula sa ‘talunan’ na si Lito Atienza, kaugnay sa isyu ng proyektong reclamation sa may bahagi ng Manila bay.

Sa ganang akin, dalawang bagay ang dapat na mangyari sa isyung ito.

Una, dapat ipaliwanag ito ng maigi ni Mayor Lim upang lubos na maunawaan ng mga taga-Maynila para matiyak na wala itong nakata-gong malisya o anomalya!

Ikalawa, dapat ay liwanagin din ni Lito Atienza ang “timing” kung bakit ngayong umiinit ang pormahan para sa darating na 2013 election ay saka niya ito inilabas!

Malinis ba talaga ang ha-ngarin ni Atienza sa isyung ito?

Hindi kaya bahagi ito ng tinatawag na “demolition job” para wasakin lang si Lim?

Baka naman gusto lang ni Atienza na muli siyang mapag-usapan para sa kanyang pansariling political ambition dahil hindi na nababanggit ang kanyang pangalan sa Maynila?

O malay natin, parekoy, kung may nakatago ngang “kalokohan” sa usaping ito!

Aalamin natin ‘yan!!!

-o0o-

ISANG isyu na idinapurak noon laban kay dating Chief Justice Renato Corona ay ang tungkol sa “flip-flopping” o pabago-bagong desisyon ng Kataas-taa-sang Hukuman, kung saan ang nauna nilang desisyon ay kaa-gad din nilang binabaligtad pagkaraan ng ilang buwan!

Ano naman kaya, parekoy, ang maitatawag dito sa gina-wa ngayon ng Korte Suprema sa ilalim ni acting Chief Justice Antonio Carpio, kung saan ay bigla nilang binaligtad ang sariling desisyon pagkaraan lang ng “isang araw?”

Matatandaan na noong Miyerkules ay nagpalabas ang SC ng “status quo ante” order para pansamantalang pigilin ang pagpatupad ng gobyernong Aquino sa “fixed salary” ng bus drivers mula sa dating percentage system.

Pero kinabukasan, Huwebes, ay kaagad itong binaligtad mismo ng SC upang pahintulutan na itong PNoy administration na ituloy ang “fixed salary system.”

May kinalaman ba rito ang katotohanan na si Carpio at iba pang Associate Justices ay nagpapalakas kay PNoy para  mahirang na Chief Justice?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply