Red carpet sa SONA ni PNoy

GAYA ng inaasahan, nagrampahan sa red carpet ang mga congresswoman at kabiyak o bisita  ng mga kongresista.

Bagama’t simpleng barong Filipino lamang ang kasuotan ng congressmen ay tunay na makukulay naman ang suot ng mga congresswoman.

Si Navotas Rep. Jaye Lacson-Noel ay kulay lavender ang gown na tila ipinagsisigawan ang kanyang pagsuporta sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Maging si Zambales Rep. Mitos Magsaysay ay simpleng native dress lamang ang suot na kulay lavender din.

Nag-iisang rumampa ang aktres na si Shiela Israel sa kanyang pulang gown at kapuna-punang hindi nito kasabay ang mister na si Laguna Rep. Dan Fernandez.

Kulay yellow na gown naman ang inirampa nina Batanes Rep. Henedina Abad at Marlyn Primicias-Agabas.

Napansin din ang pagbabarong ngayong SONA ni Benguet Rep. Teddy Baguilat na pinatungan lamang ng isang native na palamuti dahil sa mga nagdaang SONA ni Pangulong Aquino ay talagang bahag lamang ang isinusuot ng kongresista.

Matapos suspendihin ang sesyon kaninang umaga ay kumalat ang isang text message na nagsasabing “ Ms Diana Menezes is Cong. Benjo Benaldo’s date for today’s SONA.”

Pasado alas 3:00 nang dumating si Cong. Benaldo ng Cagayan de Oro at kahawak kamay niyang rumampa sa red carpet ang Brazilian model na si Menezes na naka-gown ng kulay puti na may bulaklaking kulay dilaw.

Kapuna-puna naman ang kulay green na Filipiniana dress ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David dahil ga-hita ang slit nito.

Simpleng gown na kulay green naman na may sinturon na kulay puti ang suot ng aktres na si Lani Mercado-Revilla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply