Red Lions mananakmal

KUMPLETO na ang lineup ng defending champion San Beda College Red Lions kaya naman madali nilang nilapa ang Emilio Aguinaldo College Generals, 81-65 kahapon sa 88th season ng NCAA men’s senior basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Kasosyo ng Red Lions sa liderato, hawak ang 4-1 win-loss baraha ang nakatalo sa kanila na Perpetual Help Altas.

Muling ilalabas ng Red Lions ang kanilang pangil upang ibaon sa host Letran Knights bukas, (6 p.m. July 21) upang solohin ang pamamayagpag sa tuktok.

Magkasabay ang Red Lions at Altas nang makuha nila ang ika-apat na laro sa apat na salang.

Nilampaso ng Perpetual ang College of Saint Benilde Blazers, 84-64.

Kukuha ng lakas ang Red Lions kay Nigerian center Ola Adeogun na umiskor ng siyam at 14 rebounds sa kanyang debut game habang ang Intramuros-based Letran ay sasandal kay last year’s mythical five member Kevin Alas.

Sa unang laro, (4 p.m.) maggigirian naman ang Mapua Cardinals at Arellano U Chiefs.

Magkasalo sa fifth to seventh place ang Knights, Cardinals at Chiefs na may 2-3 card.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply