Red Lions sasagpangin ang Altas

SOLO sa segundo puwesto ang defending champion San Beda College Red Lions at pakay nilang lapain ang Perpetual Help Altas upang makihalo sa top spot ng 88th Season NCAA senior Men’s Basketball Tournament.

Nakatakda ang paghaharap ng Red Lions at Altas bukas ng ala-sais ng gabi na gaganapin sa Arena San Juan.

Tangan ng SBC ang 2-0 win-loss slate at 2-1 panalo talo karta ang Perpetual habang mag-isa sa liderato ang nakakagulat na Jose Rizal University Heavy Bombers na may 3-0 baraha.

Unang sinagpang ng Red Lions ang Arellano U Chief, 81-71 kung saan ay anim lang na players ang naglaro sa una.

Sa ikalawang panalo ng Mendiola-based SBC laban sa Lyceum of the Philippines Pirates, 82-67 ay nakumpleto na ang kanilang line-up.

Samantala, sa unang laro sa ganap na 4 ng hapon ay maghaharap ang parehong galing sa panalo at magkapit-bahay na Mapua Cardinals at LPU.

Kulang din ang line-up ng Cardinals dahil sa tatlong salang ay hindi nakapaglaro ang apat na rookies matapos harangin ng Management Committee.

Nagkaroon ng aberya sa eligibility ang apat na baguhan ng Mapua subalit pinayagan na rin sila ng Policy Board na makapaglaro sa season na ito.

Pero may mga kailangan pa silang ipasa kaya hindi pa sigurado kung makapaglalaro sila ngayon laban sa LPU.

Bitbit ng Cardinals ang 2-1 record habang 1-3 ang pasan ng Pirates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply