Regine, wala pang planong sundan si Baby Nate!

AKTIBONG muli ang Asia’s Song bird na si Regine Velasquez-Alcasid. Una siyang napanood sa Party Pilipinas at sa August 5 ay may bago siyang show sa GMA 7. Ito’y ang H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis) na papalit sa Showbiz Central. ]

Kasama niya sina Jennylyn Mercado, Raymond Gutierrez at Roderick Paulate.Balik-shooting na rin siya dahil tinatapos niya ang pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films.

“Actually, nakatatawa kasi kaming dalawa ni Aga, medyo baby face pa lang kami, hindi masyadong malaki  yung difference, nag-bangs lang ako. Meron kaming mga nire-shoot only because yung mga references namin dun medyo luma na pero as far is yung hitsura, hindi naman kailangan sa movie na pareho kaming sexy, di ba? Nuong pinanood sa akin ni Joyce, kasi na-edit na niya, e, ang konti na lang pala ng kailangang kunan kasi kaming dalawa ni Aga ang cute, magtatabi pa lang kami sa screen, kahit wala pang ginagawa..ako kinikilig..ang cute rin.

“Kahit nung mga panahong gusto ko siyang patayin sa screen kilig na kilig kami..cute na cute kami, e! Pero ngayon friends na kami. Ang goal ngayon ay matapos at saka na yung playdate,”kuwento niya.Mga 4 to 5 days shoot na lang daw ang kulang.Magso-soap ba siya ulit?

“Sana hindi muna, iiyak talaga ako pag in-offer ako ng soap.Sabi ko sa management puwede ba na huwag muna akong i-offer ng soap? For me, maka-one year old man lang si baby kaya hayan in-offeran ako ng talks show,” deklara niya.Wala ba siyang nararamdamang takot sa gagawin niya sa show?

“Ako nga yata yung huling umuo, e. Kasi connected ito sa job ko pero hindi ako kakanta, magku-comment ako nang bonggang-bongga. Natatakot nga ako kaya nga I had to think talaga. Tinanong ko yung asawa ko if I should accept it, and he said why not? bilang marami naman daw akong sinasabi,”sabay tawa niya.

“At saka, bilang tsismosa naman daw ako. Kaya nga kami naging close kami ng asawa ko kasi every Sunday lagi kong tinatanong, ano ang bagong tsismis?”,humahalakhak niyang turan.

Hindi ba siya magseseryoso sa show at babaklain lang niya ito?

“I’m sure, babaklain ko, di ba? Magtataka ka pa ba ron? Bilang bakla naman ako,” tugon niya.

Baka may magtampo sa mga opinion niya sa shows?

You know, since I’m also  with the same business, I don’t think it would be appropriate for me na magku-comment ako nang alanganin specially ang liit lang ng showbiz at kilala ko silang lahat. At gusto ko ba na may kaaway ako? Siyempre, ayoko. So, hindi naman sa magpapaka-safe ako palagi, pero siguro, roon lang sa kung ano ang appropriate. I will ask questions that are, you know, question na may relevant naman sa kanila, and also give them time to clear whatever issues they want to clear,’ bulalas pa niya.

Magiging open ba siya sa mga isyu sa kanya dahil nasa talk show niya?

“Somebody asked me the same question, kung kunwari may isyu about me o sa aming mag-asawa, sabi ko depende yun, e. Depende sa sitwasyon na nakalagay kami. Kasi, puwede ko namang sabihin na kung may isyu kami, puwede ko na- mang sabihin sa staff na kung puwede, huwag pag-usapan, and I’m sure they’ll respect that naman. At hindi naman ako masyadong naniniwala na porke’t host ako ng talk show, e kailangan ibulatlat ko na ang mga baho namin. Ang pangit naman, baho talaga!Especially, mag-asawa kami. Anumang problema namin bilang mag-asawa, dapat sa amin lang yun. Hindi na kailangang isali ang buong mundo. Sabi ko sa kanya, depende kung anong isyu. Siya naman ang nag-encourage sa akin sa show na ito. At saka, alam din naman niya kung hanggang saan ang limitation ko. Alam naman niya kung paano ako mag-isip. Alam naman niya yun na depende sa isyu. Kung puwede namang pag-usapan, bakit hindi, di ba?,” aniya pa.

Isang taong at kalahati rin na halos hindi siya lumabas sa bahay dahil mukha raw siyang baka. Nakakulong lang siya sa bahay pero happy pa rin siya kay Ogie.

‘Palagi pa rin niya akong sinasabihan na,  huh, honey, you’re still the sexiest girl ever!Tapos gumaganito ako, hmmm talaga? Pero kung makatingin ka sa mga sexy, ha,” sey pa niya.

Tinanong din kung gusto na nilang sundan si Nate.

Remember lagi niyong tinatanong, wala. Hindi pa kami nag-aasawa, lagi niyong tinatanong dun. Etong mga baklang ito, tanung nang tanong kung kailan ako magkakaanak, susmaryorsep, ngayon naman, nagkaroon na nga, gusto naman sampu. Like I always say before, kung bibigyan kami ni God ng baby, magiging happy, di ba? Ngayon, ganon din although, may konting plan. Siyempre, masarap din naman na may kapatid si Nate. Pero kung hindi, okey na rin yun,” hirit pa ni Regine .

‘Yun na!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply