Registration sa Milo Little Olympics pinalawig

PINALAWIG pa ang registration para sa Milo Little Olympics hanggang Agosto 1 sa Marikina Sports Park, Sumulong Highway, Marikina City, dahil sa dami ng lalahok.

Mahigit 6,000 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa ang magpapasiklaban ng galing sa iba’t ibang sports’ decipline sa pagsiklab ng 2012 Milo Little Olympics sa National Finals sa National Capital Region sa Agosto 10, 2012 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Mayroong 12 Olympic sports na pinaglalabanan, ito ay ang athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball, habang ang dalawang isports pa ay ang sepaktakraw at scrabble.

Gaganapin ang mga laro sa Agosto 11, 12, 18 at 19 at magsisilbing rest day ang Agosto 13 at 17, aning organizer.

“Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin ang laro sa National Capital Region at inaasahang mas magiging tagumpay ito kaysa sa mga nagdaang palaro,” dagdag pa ng organizer.

Gaganapin naman ang technical meeting ng mga coach at technical experts sa July 30, 2012 sa East Grandstand Marikina Park, Marikina City.

Magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng palaro sina Marikina Mayor Del R. Dezman, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz at opisyal ng Nestle na si Sr. Vice President Michelle Marie Alvarillo.

Para sa karagdagang detalye, mangyari tumawag sa telephone numbers: (02) 9982766 at 09063103662.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply