Reklamo pa laban sa Globe dumagsa

DAGSA pa rin ang reklamo ng mga subscribers ng Globe Telecommunications na hindi naa-aksiyunan sa kabila ng napakalaking kinikita ng dambuhalang kompanya.

Napasama na rin sa reklamo ng mga subscribers ang mistulang panlilinlang na ginagawa ng kompanya sa mga iniaalok na libreng text at unlimited call gayung kinakailangan munang i-dial ang mga ibibigay nilang numero na mahirap namang kontakin.

Patuloy din ang pagbibigay ng mga spam message ng Globe sa kanilang mga inaakit na subscribers at inaalok ng mga promotional gimmick na hindi naman halos napapakinabangan dahil hindi makontak at kadalasan ay walang reply ang mga ibibigay nilang numero.

Nagtataka rin ang mga subscribers kung bakit wala man lamang direct line ang dambuhalang kompanya upang maikonekta sa call center upang doon nila maibahagi ang kanilang reklamo o kuwestiyon mga mga promotional gimmick na mistula namang panlilinlang.

Magugunita na lumawak ang reklamo sa Globe Telecom matapos mabisto ang echo system na nararanasan ng mga post subscribers kung saan matapos nilang mai-dial ang numero ng tinatawagan ay boses din nila ang kanilang naririnig sa kabilang linya.

Dahil dito, nababawasan ang load ng mga subscribers at lumalaki ang kanilang bayarin gayung hindi naman nila nakakausap sa kabilang linya ang kanilang tinatawagan.

Marami na rin ang nagpasiyang iwanan na ang pagtangkilik sa dambuhalang kompanya dahil maraming lugar sa Metro Manila ang wala silang cellsite kaya’t nahihirapang tumanggap at magpadala ng mensahe ang mga subscribers sanhi ng kawalan ng signal.

Ayon sa isang iritado ng subscriber, nakapagtataka na sa laki ng kita ng kompanya ay hindi man lamang makapaglagay ng cellsite sa maraming lugar sa Metro Manila na taliwas sa ipinagmamalaki nilang malakas ang kanilang signal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply