Reklamo vs Globe dumarami

PATULOY ang paglobo ng bilang ng mga nadidisyama sa serbisyong ipinagkakaloob ng higanteng kompanyang Globe Telecom bunga ng sunod-sunod umanong kapalpakan na nagiging dahilan upang bumitiw na at lumipat na lang ibang kompanya ng telekomunikasyon.

Pinakahuli rito ang posibleng pagbibigay umano ng impormasyon ng Globe Telecom sa ilang mga kompanya o indibiduwal sa cell number ng ilang mga postpaid subscribers na nagiging dahilan upang alukin sila ng iba’t-ibang produkto o investment.

Malaki ang hinala ng mga nagrereklamong post subscribers na may kinalaman ang Globe Telecom sa ginagawang pangungulit umano sa kanila ng ilang kompanya at indibiduwal  na nag-aalok  ng kung ano-anong mga produkto at kalakal na labis na nakaka-abala sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

Bukod dito, nangangamba rin ang mga nagrereklamo na baka kumalat ang kanilang mga personal na detalye sa kanilang katauhan na hindi malayong maging daan upang mabiktima sila at ang kanilang pamilya ng ilang mga mapagsamantala.

Hinihintay na lamang umano ng mga naiirita ng post subscribers na malagdaan at maging isang batas na ang Data Privacy Act na ipinasa na ng dalawang kapulungan ng kongreso upang magsilbing armas nila sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa dambuhalang kompanya ng telekomunikasyon.

Sa oras na malagdaan na ng Pangulong Benigno Aquino III at maging ganap ng batas ang Data Privacy Act, sa lilikhaing tanggapan ng Department of Transportation and Communication  na National Privacy Commission nila idudulog ang kanilang reklamo.

Magugunita na bukod sa mga post subscribers,  inireklamo rin ng mga consumers ang ginagawang pandurugas ng kompanya sa kanilang mga load sa pamamagitan ng echo-system.

Sa naturang sistema, inaakala ng mga subscribers na kausap na nila sa kabilang linya ang tinatawagan subalit sa huli ay matutuklasan na echo lang ng kanilang boses ang naririnig na nagiging dahilan upang mabawasan na ang kani-kanilang load.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply