Reporters pinalalayas sa ‘bahay’ ni De Lima

PINALALAYAS ng Department of Justice (DOJ) ang mga kagawad ng media sa main building ng ahensya.

Nagbigay na go signal si Justice Secretary Leila de Lima para paalisin sa kanilang mga press office ang mga miyembro ng media at ilipat sa ibang lugar.

Sa isinagawang dialogue nina Justice Undersecretaries Jose Vicente Salazar, Fransisco Baraan III at Leah Armamento kasama ang mga kagawad ng media, iginiit ng mga nasabing opisyal na ang kanilang aksyon ay batay na rin sa rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Sinabi ni Salazar na plano ng DOJ na limitahan na ang mga pagsasagawa ng interview sa loob ng DOJ main building at maging ang access ng media sa iba’t ibang opisina sa DOJ batay na rin sa rekomendasyon ng NICA.

Suportado naman ni Armamento ang rekomendasyon ng NICA na dapat limitahan ang accessibility ng media sa DOJ.

Gayunman, humingi ng kopya ng nasabing NICA report ang mga reporter.

Tumanggi naman ang mga opisyal na magbigay ng nasabing kopya.

Itinanggi naman ni Salazar na ang hakbang ay may kaugnayan sa personal na seguridad ni Sec. De Lima.

Batay sa plano, sakaling mailipat na sa ibang gusali ang mga media office ay hindi na basta basta maka-aakyat sa second floor ng DOJ main building ang mga myembro ng media at maging ibang empleyado kung saan naroon ang tanggapan ng kalihim at mga undersecretary nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply