Requirements sa CJ nominees deadline sa Lunes

PINALAWIG ng Judicial and Bar Council (JBC) hanggang sa Lunes ang deadline para sa pagsusumite ng mga requirement ng mga nominado sa pagka-punong mahistrado.

Ayon kay JBC Member Atty. Jose Mejia, ito ay batay na rin sa consensus ng mga miyembro ng JBC sa idinaos na en banc session ng konseho ngayong araw.

Nabatid na walo pa lamang mula sa 22 mga kandidato sa pagka-punong mahistrado ang nakatutugon sa requirement.

Kabilang na roon ang pagsusumite ng mga nominado ng kanilang bank waiver at statement of assets, liabilities and net worth o SALN.

Samantala, binigyan naman si Justice Secretary Leila de Lima ng hanggang sa ika-30 ng Hulyo, ang araw ng botohan para sa isusumiteng shortlist kay Pangulong Benigno Aquino, para maayos ang nakabinbin niyang mga disbarment case at makapagsumite ng kanyang clearance.

Hindi naman kasama sa mga natalakay sa pagpupulong ng JBC kanina ang desisyon ng Korte Suprema sa komposisyon ng konseho dahil hindi pa naman lumalabas ang resolusyon hinggil sa nasabing kaso

Samantala, gagamit na rin ng Facebook, Twitter at iba pang social networking sites ang Judicial and Bar Council (JBC) para makakuha ng mga tanong sa publiko na angkop para sa public interview ng mga nominado sa Supreme Court (SC) chief justice post.

Ayon kay JBC member, Sen. Chiz Escudero, layunin nitong makuha mismo nila ang saloobin at katanungan ng mga karaniwang mamamayan.

Hindi naman tatanggapin ng konseho ang mga personal at malisyosong tanong para sa sinomang aspirante sa pagka-punong mahistrado.

Magsisimula ang public interview sa Martes, Hulyo 24, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply