Rerouting scheme sa SONA ni PNoy, inilabas na

INILABAS na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang re-routing scheme para sa mga daan patungo ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bukas, Hulyo 23.

Simula alas-5:00 ng madaling-bukas hanggang sa matapos ang SONA ng Pangulo ay magpapatupad ng counterflow para sa mga public utility vehicles (PUV) sa westbound lane ng Commonwealth Avenue St. Peter’s Parish hanggang sa San Simon.

Ayon kay Charlie Nozares, ng MMDA Metro Traffic Base, ang lahat ng pribadong sasakyang galing sa Commonwealth-Fairview area ay kakanan ng Regalado, kanan ng Dahlia, kaliwa ng Chestnut street, kanan ng Old Sauyo Road, kaliwa ng Mindanao Avenue, at kakanan sa Congressional na tuloy-tuloy na sa Edsa.

Para naman sa mga papunta  ng Fairview galing Edsa-Congressional area, kakanan ng Congressional, kaliwa ng Mindanao Avenue, kanan din sa Old Sauyo Road, kaliwa ng Chestnut, kanan ng Dahlia, kaliwa ng Regalado, at kaliwa o kumanan ng Commonwealth.

Ang alternatibong daan ay inilabas ng MMDA upang hindi madamay sa pagsisikip ng trapiko ang mga motorista na nagnanais na maglakbay bukas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply