Resignasyon ng DBP president tinanggap ni PNoy

MALUWAG na tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Development Bank of the Philippines (DBP) president and chief executive officer Francisco del Rosario Jr.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, epektibo ang resignation ni Del Rosario sa Setyembre.

Aniya, may petsang June 13 ang resignation letter ni Del Rosario at tinanggap ng Pangulo noong July 4.

Hangad ni Del Rosario na magkaroon ng mas mahabang panahong makasama ang pamilya ngayong naabot na ang retirement age.

“The resignation letter, dated June 13, was received by the Office of the President on June 18. It was accepted by President Aquino on July 4.I understand Mr. Del Rosario has reached retirement age and wishes to spend more time with his family,” ayon kay Usec.Valte.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply