Resolusyon kay Dolphy, ikinasa ni Lapid sa Senado

NAGHAIN na ng isang resolusyon si Senador Lito Lapid sa Senado upang maipahatid sa pamilya ang buong pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkamatay ng comedy king si Rodolfo “Dolphy” Quizon.”

Ayon sa Senate Resolution No. 811, sinabi ni Lapid na dapat maibigay ng Senado ang buong pusong pakikiramay nito sa pamamagitan ng naturang dokumento na ginagawa naman ng Mataas na Kapulungan sa ilan upang magbigay ng respeto.

“The Philippine Senate has in several occasions paid its respects to remarkable Filipino for their legacy, thus the resolution to Dolphy,” sinabi ni Lapid.

Sinabi pa ni Lapid na ikinokonsidera si Dolphy bilang simbolo at haligi ng movie industry ng Pilipinas na nakapagsimula sa entertainment industry bilang vaudeville dancer noong panahon ng Hapon.

“Dolphy was well-loved by millions of Filipinos as he embodied the plight of the Filipino masses and shared our penchant for the comedic through his numerous roles on the big screen and on television,” ayon kay Lapid.

“His passing away is a great loss not only to the bereaved family but to the entire Filipino nation as well,” dagdag ng senador.

Ibibigay naman sa pamilya ni Dolphy ang kopya ng resolusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply